Tandaan lamang na ang barcode scanner sa store ay maaaring hindi mabasa ng maayos ang barcode kung ang screen ay may gasgas o ito ay may protection film. Ang barcode scanner ay maaaring hindi gumana ng maayos kung ang screen ay hindi gaanong maliwanag. Mangyaring liwanagan ang screen bago ito ipakita sa cashier.
Ang barcode ay hindi na magagamit paglampas ng madaling-araw. Huwag mag-print o mag-save ng barcode kung ito ay hindi kaagad gagamitin.
Huwag muling gamitin ang barcode para sa maramihang pagbabayad. Kapag muling ginamit ang barcode, ang pagbabayad ay tatanggapin ng convenience store subalit ang unang bayad lamang ang makikita sa inyong balanse. Laging pindutin ang "show barcode" sa page na ito bago gumawa ng pagbabayad.
Ang mga sumusunod na smartphone device environment ay inirerekomendang gamitin:
OS: para sa iOS - 10.0 or later, para sa Android - 5.0 or later
Browser: ang pinakabagong version ng mga sumusunod na browsers: Safari/Google Chrome
Screen size 4.0 inches to 6.7 inches
N.B. My Payment barcode ay maaaring hindi makita sa ilang smartphone models tulad ng iPads at tablets.